About my Blog

But I must explain to you how all this mistaken idea of denouncing pleasure and praising pain was born and I will give you a complete account of the system, and expound the actual teachings of the great explorer of the truth, the master-builder of human happiness. No one rejects, dislikes, or avoids pleasure itself, because it is pleasure, but because those who do not know how to pursue pleasure rationally encounter consequences that are extremely painful. Nor again is there anyone who loves or pursues or desires to obtain pain

Tuesday, August 05, 2008

Ramblings in Tagalog

Hindi ko alam kung ilan ang nagbabasa ng blog ko. Hindi ko din alam kung karamihan ba pinoy o may mga foreigners din na nagbabasa. Nahuli ko kasi yung isang ka-opisina ko na nagbabasa ng blog ko kaya hangga't maari, hindi ako nagsusulat ng tagalog. Mahirap na, kawawa naman ang fans. ("LORRRD!" sabi ni Nget.) Pero ang alam ko kay Ms. Vicky daan-daan or maaring libo-libo pa nga ang nagbabasa. Sikat na kasi si Atche!

Malapit na ako umuwi. Mga tatlong tulog na lang. Excited na nga ako eh. Namimiss ko na kasi friends ko sa Manila. Saka di mashadong ka-gandahan ang mga tao dito. Nakakaumay tingnan. Di katulad ng mga maowdel friends ko. (Pout Che, pout!)

Naalala ko yung sinulat ni Joey, tungkol sa Manok. Naiihi pa din ako sa kakatawa pag naalala ko sha. Napakatalino ng taong ito. Kung ano-ano ang naiisip. Pati manok pinagdidiskitahan. Kamusta naman di ba?

Marami-rami akong kaibigan na hayup kung magsulat, tulad na lang ni Nat. . Bestfriend ko yun, doctor, inglesera, sosyalera, pero sa loob-loob may pag ka cowboy din.

Pansin mo ba, naadik ako sa paglilink sa ibang tao. Iniinggit kasi ako ni Atche na marunong daw siya, so nalavinia ako. Kaya pinatunayan ko din na marunong ako.

Teka, teka, segway muna, nak-ng-tokwa, na distract ako don sa dumaan na kano. Ang gwapo ng animal. Kamukha ni Ramon Christopher pero mas gwapo ito. Kaso may kasamang bilat. Confirmed direcho ang takbo ng utak nito. Yung bilat, parang model, kamukha ni Natalie Portman, mas maganda nga lang si Natalie.

Epekto ito ng madaming trabaho. Kailangan pa minsan-minsan lumabas ako sa office at wag mashado magtrabaho. Kakapagod din kasi, stressed na stressed na ako. Dami kong deadlines, kung ano-anong proposals at projects. Sa Friday na daw ang huling palugit sabi ni Bossing. Feeling kasi nila si Superman ako, di nila alam, si Darna ang favorite ko.


Tagal naman magdownload ng Adobe Photoshop Trial Version. Dalawang oras na ako nagdodownload asa 16% pa lang. 7 hours 30 minutes pa daw. 'Nak ng! Bukas na nga lang. Pagod na ako.

2 comments:

Anonymous said...

Hanube! Kanina pa ako naka-pout hangtagal moko picture-an!Mga 10 years ko pa naman pinag-aralan ang "fierce" look na ito at talaga namang di nako nagtutulog kakaintay sayo at sa DSLR mo dahil alam kong favorite subject mo ako. nyahahahahaha!

Noel said...

hanupangaba!?!? HAHAHAHA!!!

Malapit na, ilang tulog na lemeng!

Powered By Blogger